Tinutugis ng mga pulis ang driver na kotse na inararo ang ilang nakaparadang sasakyan sa J.P. Laurel Street at Muelle de Sampaloc sa Maynila, nitong Lunes.

WANTED Sa tulong ng body camera ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), natukoy si Frankie Mark T. Serrano, na wanted sa pang-aararo ng mga sasakyan sa J.P. Laurel Street at Muelle de Sampaloc sa Maynila, nitong Lunes.

WANTED Sa tulong ng body camera ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), natukoy si Frankie Mark T. Serrano, na wanted sa pang-aararo ng mga sasakyan sa J.P. Laurel Street at Muelle de Sampaloc sa Maynila, nitong Lunes.

Inilabas ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang isang screenshot, kuha mula sa isa sa mga body cameras, ang suspek na si Frankie Mark T. Serrano, na kilala rin bilang Marck B. Santos.

Ayon sa Manila Police District-Vehicle Traffic Investigation Section (MPD-VTIS), sakay ang suspek sa berdeng Toyota Vios (UKE-459) at binagtas ang Recto Avenue patungong Sta. Mesa nang parahin ng enforcer dahil sa paglabag sa batas-trapiko, sa ganap na 9:00 ng umaga.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Sa gitna ng diskusyon, humarurot ang suspek.

Gayunman, hindi niya inaasahang siya ay maiipit sa dead end kaya isa-isa niyang sinagasaan ang mga nakaparadang sasakyan.

Sa vide inupload ng isang netizen sa Facebook, pinagbabato at pinukpok ng mga residente ang sasakyan ng suspek.

Tinangkang umalis ng suspek sa lugar sa pag-atras, ngunit hindi tumigil ang mga galit na residente.

Sa pagkataranta, bumangga rin siya sa isang tricycle at van hanggang sa nakatakas.

Gayunman, narekober ng awtoridad ang sasakyang inabandona ng suspek at inaresto ang babaeng pasahero, na kalaunan ay pinalaya dahil walang maaaring isampang kaso laban sa kanya.

Ria Fernandez