NANAIG sina Fide Master David Elorta, Oscar Joseph Cantela, Francheska Largo at Fide Master Narquingden “Arden” Reyes sa kani-kanilang dibisyon sa katatapos na 1st Eugene Torre Chess Cup - SEA Games Luzon Qualifying Leg 2019 nitong Linggo sa Mapua University Gymnasium sa Muralla Street, Intramuros, Manila.

Nakaungos si Elorta kontra kay United States master Jose “Jojo” Aquino Jr. sa ninth at final round para makopo ang titulo sa Open Rapid division kalakip ng top prize P30,000 at elegant trophy sa event na nagsilbing punong abala ang Mapua Filipino-Chinese Alumni Association sa pakikipagtulungan ng National Association of Mapua Alumni (NAMA) at ng National Chess Federation of the Philippines.

Sa katunayan sina Elorta, University of Sto. Tomas coach International Master Ronald Dableo at Ateneo de Manila University coach International Master Jan Emmanuel Garcia ay tumapos ng three-way tie na may tig 8 points, subalit nakopo ni Elorta ang titulo sa Open Rapid dahil sa mas mataas na tie break points.

Namayani si Oscar Joseph Cantela kontra kay fellow co-leader Cyrus James Damiray sa final canto para magkampeon sa Elementary Division. Bida rin si Francheska Largo ng kunin ang korona sa High School division dahil sa superior quotient kina fellow 7.5 pointers John Kenneth Gelua at Francis Roi Parro.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Nagpakitang gilas din si Fide Master Narquingden “Arden” Reyes, isang empleyado sa PLDT Home Sales and Sevice Center Management under supervisor Trina Escueta matapos maghari sa Open Blitz division na may 6.5 points matapos ang pitong laro