KINAPOS si dating WBC world champion Sonny Boy Jaro nang mabigo kay WBC Asian Boxing Council bantamweight champion Nawaphon “Nakonlo” Kaikanha Thailand via 7th round TKO nitong Sabado sa Workpoint Studio sa Bang Phun, Thailand.

Ito ang ika-15 kabiguan sa 45 laban ni Jaro.

Naitala naman ng 27-anyos na si Kaikanha ang ikalawang pagdepensa sa titulo. Naitala niya ang ika-35 knockout sa 45 career victory. May isang talo at isang draw ang Thai.

Nakuha ni Kaikanha ang bakanteng WBC ABC bantamweight title via unanimous decision kontra Likit Chane noong July 21, 2018.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa kanyang unang title defense, nabiktima niya ang isa ring pinoy na si Richard Claveras via 4th round TKO nitong Nov. 17, 2018.

Hindi rin pinalad si Filipino super bantamweight Jelbirt “Panther” Gomera na nabigo via 6th round technical knocked kay Ryan Burnett ng United Kingdom nitong Mayo 17 sa Ulster Hall sa Belfast. Ito ang ika-anim na kabiguan ni Gomera 20 laban, tangan ang pitong knockouts, habang nakuha ni Burnett ang ika-20 career win.