DAVAO CITY – Nasa 45 na pasahero at limang tripulante ang nasagip matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangkang de-motor habang sila ay lumilibot sa Samal Island sa Davao del Norte, kaninang umaga.

LUMUBOG

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG)-Davao Station chief, George Maganto, ang insidente ay naganap sa bisinidad ng Sta. Ana Wharf sa nasabing lungsod, dakong 7:55 ng umaga.

Paglilinaw ni Maganto, hindi overloaded ang bangka ngunit lumubog ito nang pumulupot sa propeller ng bangka ang taling nakadugtong sa sinker nito.

National

PBBM, inakala raw na magkaibigan talaga sila ni VP Sara: ‘Maybe I was deceived’

Agad naman aniyang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng

PCG at Maritime Industry Authority (MARINA) at nasagip ang 45 na pasahero at limang tripulante sa loob lamang ng 25 minuto.

“We are conducting an investigation together with MARINA to identify who is at fault. The owner of the boat has insurance,” sabi pa ni Maganto.

-Antonio L. Colina IV