Magpapatupad ng road closure at traffic rerouting sa Roxas Boulevard sa Maynila bukas para bigyang-daan ang Songkrun Run4UrLife.

Batay sa advisory ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), simula 4:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga bukas ay isasara sa mga motorista ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula sa Katigbak Drive hanggang P. Ocampo Street.

Magpapatupad din ng traffic rerouting, at ang mga manggagaling sa Bonifacio Drive na dadaan sa Roxas Blvd. southbound ay pinakakaliwa sa P. Burgos, habang ang mga magmumula sa Jones, McArthur, at Quezon Bridges ay pinadidiretso sa Taft Avenue.

Ang mga bumabagtas naman sa P. Burgos westbound ay pinakakanan sa Bonifacio Drive, on kaliwa sa P. Burgos eastbound, habang ang mga bumabagtas sa Kalaw westbound patungong Roxas Blvd. ay pinakakaliwa sa MH del Pilar Street.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Samantala, ang mga daraan sa westbound ng Quirino na pa-southbound ng Roxas Blvd. ay pinakakaliwa sa Adriatico, habang ang mga sasakyan sa Ocampo westbound ay pinakakaliwa sa FB Harrison.

Sinabi naman ni MPD Public Information Office chief, L/Col. Carlo Magno Manuel na ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabase sa kondisyon ng trapiko sa lugar.

Mary Ann Santiago