DAHIL sa trahedyang nangyari sa bunsong anak nina Nonie at Shamaine Buencamino noong 2015, nagtayo ang mag-asawa ng Julia Buencamino Bench Project.

Shamaine at Nonie

“Layunin ng proyekto na magtayo ng isang komunidad kung saan ang mga kabataang may mental health issues, kasama na iyong dumaraan sa depresyon, ay malayang maipahayag ang kanilang pinagdadaanan o karamdaman na walang panghuhusga o kinatatakutan,” sabi ni Shamaine.

Inamin ng mag-asawa na kapag may sapat na oras sila ay pinagbibigyan nila ang mga imbitasyon sa mga eskuwelahan at iba’t ibang civic organization para maging speaker tungkol sa mental health.

Tsika at Intriga

Sanya Lopez, pinatutsadahan si Barbie Forteza?

“Gusto naming mag-reach out sa mga magulang at mga anak, lalo na iyong dumadaan sa matinding kalungkutan o depresyon, na hindi masama ang humingi ng tulong at pag-usapan ang kanilang nararamdaman.

“We want to build a community that gives support to these kids by making them feel accepted even if they are broken na hindi dapat nila sinasarili ang kanilang problema o mental condition and also to give them the assurance na tanggap natin sila at it’s not something na dapat nilang ikahiya,” pahayag ng mag-asawa.

Nabanggit dapat maging sensitive sa bawat kilos ng mga anak o kapamilya.

Nabanggi t ni Shamaine na hindi niya inisip na may pinagdadaanan na pala ang kanyang anak bago nito kinitil ang sariling buhay.

“We did not know that she was battling with depression then. Akala namin, okay siya. We’re not even informed as her parents sa kundisyon niya. It was not easy. Actually, iyong acceptance, hindi naging madali para sa pamilya,” ani Shamaine.

“It was indeed a wake-up call for us. As parents, hindi mo naman gugustuhing mangyari iyon sa mga anak mo. It just goes to show that depression is real and no one is exempted once na tumama siya sa iyo.

“People suffering from a mental condition or illness should not be ignored dahil kailangan nila ng support system na dapat unang ibinibigay ng kanilang pamilya,” paliwanag ng beteranang aktres.

Kaya ngayon ay mas naging close raw silang mag-asawa sa kanilang mga anak pagkatapos ng nangyari kay Julia.

Samantala, nagkuwento si Shamaine na maayos katrabaho ang Koreans nang mag-shoot sila ng Sunshine Family sa Korea noong Disyembre.

“Akala ko, mahihirapan kaming magkaintindihan, pero nag-enjoy kami. We have an interpreter and our director understands English naman, so hindi naging problema ang difference in language and culture.

“Director Kim (Tai Sik) really took care to build a relationship with us. He’s very accommodating and is always asking us during important scenes as to how we would react as Filipinos. He has a storyboard, very organized and professional. Inalagaan kami nang husto at na-amazed kami sa pagiging professional at organized nila.”

Ang Sunshine Family a y produced ng Spring Films at Film Line Pictures, at mapapanood na sa Hunyo 5, kasama rin sina Marco Masa at Sue Ramirez.

-Reggee Bonoan