KUNG si volleyball guru Ricky Palou ang masusunod, higit na mas kagigiliwan at mas kapaki-pakinabang sa atletang Pinoy at sa Philippine volleyball kung magkakaroon ng ‘unification’ ang volleyball league sa bansa.

NAGBIGAY ng kanyang mensahe si Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou, habang matamang nakikinig sina (mula sa kanan) Diz Gervacio ng Bangko Perlas, Myla Pablo ng Motolite, POC deputy sec-gen Karen Tanchagco-Caballero at chess organizer at dating World Chess Olympiad member Woman National Master Christy Lamiel Bernales kahapon sa TOPS ‘Usapang Sports’.

NAGBIGAY ng kanyang mensahe si Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou, habang matamang nakikinig sina (mula sa kanan) Diz Gervacio ng Bangko Perlas, Myla Pablo ng Motolite, POC deputy sec-gen Karen Tanchagco-Caballero at chess organizer at dating World Chess Olympiad member Woman National Master Christy Lamiel Bernales kahapon sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I’m batting for a one volleyball league. Mas maganda ito dahil lahat ng players natin magkakaharap at malalaman natin ang tunay na kalidad ng volleyball sa atin. Mas makabubuti ito sa ating mga atleta at sa sports in general,” pahayag ni Palou, chief organizer ng Premier Volleyball League (PVL).

“We have the best players in PVL, mayroon ding mahuhusay sa kabila. Mas maganda kung magkakaharap-harap silang lahat at masusukat ang kakayahan nila sa isat’isa. In the end, ang Philippine volleyball ang makikinabang dahil madedevelop natin ng toado ang mga players,” samba ni Palou sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sport’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Open ako dito. Actually may private corporation na supportive dito, hindi ko lang alam kung okey ang kabila,” aniya, patungkol sa Philippine Super Liga (PSL) na pinatatakbo ni Ian Laurel, sa tulong ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.

“Kami okey dyan. But right now, focus din kami sa aming liga,” ayon kay Palou, patungkol sa ilalargang Reinforced Conference ng Premier Volleyball League (PVL) sa Mayo 26 sa FilOil Flying V sa San Juan.

Kabilang sa premyadong players na naglalaro sa PVL sina Myla Pablo ng Motolite at Dzi Gervacio ng Bangko Perlas na kumpiyansa na masasandigan ang kani-kanilang koponan sa kabila ng presensya ng mga foreign imports.

"Bale new team ko ito, tapos ako ang pinakaveteran, kaya ako ang ate sa team. Hopefully, ma-inspired ko mga teammate ko para maganda ang maging campaign namin, dahil talagang mataas ang expectation sa akin," pahayag ni Pablo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Iginiit naman ni Gervacio na ang presensiya ng mga imports ang higit na magbibigay sa kanila ng motivation para magpursige na manalo at madala ang team sa championship.

"Mabigat ang laban, pero handa naman kami," pahayag ni Gervacio.

-EDWIN ROLLON