Napatay ang isang ginang matapos na saksakin ng kanyang mister sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Purok 7, Barangay Villa Imelda, Ilagan City, Isabela, nitong Huwebes ng hapon.

TEXTMATE

Kinilala ng Isabela Provincial Police ang biktima na si Melowin Baraquio,  26, taga-Bgy. Villa Imelda ng nasabing siyudad, na nasawi sa pinangyarihan ng insidente dahil sa limang saksak sa katawan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si Roberto Baraquio, 34, construction worker, na tumakas matapos ang krimen.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagsimulang mag-away ang mag-asawa nang usisain ng suspek ang umano’y madalas na pagte-text ng misis sa ibang lalaki, dakong 4:10 ng hapon.

Sa halip na magpaliwanag ay nagalit pa umano ang biktima kaya nagalit ang mister nito na agad na kumuha ng patalim at ginamit sa pamamaslang.

-Liezle Basa Iñigo