July 15, 2026

Home BALITA National

Ekonomiya, mas gaganda kung walang mga obstructionist—Usec. Claire Castro

Ekonomiya, mas gaganda kung walang mga obstructionist—Usec. Claire Castro
Photo courtesy: RTVM

Pumatutsada si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na mas magiging maganda raw sana ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa kung mawawala ang mga obstructionist. 

Sa naging pahayag ni Castro sa isinagawa niyang press briefing sa Vancouver, Canada, noong Biyernes, Hulyo 3, 2026, idiniin niyang isang mahalagang “milestone” o tagumpay daw ng Pilipinas ang kilalanin ng World Bank bilang isang upper-middle-income country. 

KAUGNAY NA BALITA: World Bank, kinilala Pinas bilang 'upper middle-income country!'

Ani Castro, malaking tulong daw ang pagiging upper-middle-income country ng bansa para lumakas ang oportunidad na maraming investors ang mamuhunan at magbigay trabaho para sa mga Pilipino. 

“Ang ibig lamang sabihin nito ay meron tayong malakas na ekonomiya na maaaring makapag-engganya sa mga investors na mamuhunan sa ating bansa na magke-create ng jobs,” aniya. 

National

Mike Defensor, dinala na sa Sandiganbayan sa pagdinig ng kasong plunder!

Diin pa niya, “Tayo po ay nagsusumikap na gumanda ang ekonomiya.” 

Buwelta naman ni Castro, tingin daw niyang mas magiging maganda pa ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kung mawawala daw umano’y mga obtructionist na naglalayon lang daw sirain si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at ang kasalukuyang administrasyon. 

“Mas siguro gaganda pa ito kung walang mga obstructionist na ang purpose lamang ay manira at sirain ang Pangulo at ang administrasyon,” ‘ika niya. 

“Sana makita nila ‘yong pagsusumikap ng administrasyon na ito upang iangat ang ekonomiya ng bansa,” pagtatapos pa ni Castro. 

Samantala, wala namang partikular na pangalang binanggit si Castro kung sino ang tinutukoy niyang mga obstructionist umano pamahalaan. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Worth of celebrating’: PBBM, binida pagiging 'upper-middle-income country' ng PH!