Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pagiging upper-middle-income country (UMIC) ng Pilipinas matapos umano ang humigit-kumulang apat na dekada nitong lower-income country.
Pagkatapos ito ng pormal na pagkilala ng World Bank noong Miyerkules, Hulyo 1, 2026, sa Pilipinas nang lumampas ang gross national income (GNI) per capita ng bansa sa itinakdang antas para sa naturang income classification.
KAUGNAY NA BALITA: World Bank, kinilala Pinas bilang 'upper middle-income country!'
Sa video statement naman ng Pangulo nitong Huwebes, Hulyo 2, sinabi niyang tagumpay para sa lahat ng sipag ng mga Pilipino ang pagiging upper-middle-income country ng bansa.
Pagbibidaw niya, resulta raw ito ng epektibidad ng kanilang economic policies sa lumipas na apat na taon sa kabila ng hindi mapigilang pangyayari sa buong mundo.
“After nearly four decades as a lower-income country since 1987, this milestone affirms that economic policies we have pursued over the past four years have been effective,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Our steady economic growth, broadly stable currency and long-term reforms have strengthened our economy even amid global uncertainties. It validates the progress that we have made and the resilience of the Filipino people.”
Aniya, sa pamamagitan ng naturang tagumpay na ito, mas magkakaroon pa ng mga investment, negosyo,at mas magandang kalidad at oportunidad para magkaroon ng maayos na buhay ang maraming pamilyang Filipino.
“It is also a vote of confidence in our country’s future. Greater confidence means more investment, more investments means more businesses, better quality jobs, and more opportunities for Filipino families,” ‘ika niya.
Diin ni PBBM, nararapat lang daw na ipagdiwang ng marami ang resulta ng naturang paglago ng bansa sa pagkakaroon ng mga bagong magbubukas na pinto, magbibigay ng pagkain, at pagkakataong mamuhay nang mas maayos ang mga Pilipino.
“This is worth celebrating because economic progress is not meant to stay on paper. It is meant to open doors, bought foods on the table, and give every Filipino the chance to live a better lives,” saad niya.
Pagtitiyak ni PBBM, ipagpapatuloy raw nila ang kanilang trabaho upang mas marami pang Pilipino ang makatamasa ng mga benepisyo sa pag-unlad ng bansa.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, binati si 'Mum' Imelda sa ika-97 kaarawan niya!