Maligayang binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kaniyang ina at dating First Lady na si Imelda Marcos sa pagdiriwang nito ng kaniyang ika-97 na kaarawan.
Sa Facebook post ng Pangulo sa nitong Huwebes, Hulyo 2, 2026, sinabi niyang bihira daw ang nabibiyaan sa pag-abot ng ika-97 nilang kaarawan at makasama ang kanilang mga anak, apo, at apo sa tuhod kagaya ng kaniyang ina.
“Happy Birthday, Mum!” pagsisimula ng Pangulo.
Dagdag pa niya, “Few are blessed with the gift of celebrating 97 years. Fewer still are blessed to spend them surrounded by children, grandchildren and great-grandchildren who continue to draw strength from your love and guidance.”
Sa larawang ibinahagi ng Pangulo sa publiko, makikita ang mga tagpo kung saan kasama siya ng kaniyang ina, kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at mga apo.
Photo courtesy: PBBM.
Ani PBBM, nabuhay daw ang kaniyang ina ng isang “extraordinary life” kung saan nasaksihan daw sa kasaysayan ang paghubog ng dating First Lady sa kanilang pamilya at mahalagang marka sa kasaysayan ng bansa.
“Through decades of public service, you touched lives in ways that continue to be remembered,” diin niya.
Pagbibida ng Pangulo sa kaniyang ina, ito raw ang nagsilbing puso sa kanilang pamilya at pinakamahusay na nanay na maaari nilang mahiling kailanman.
“May God continue to bless you with many more years surrounded by the family who loves you dearly,” pagtatapos pa niya.
Isinilang si dating First Lady Imelda noong Hulyo 2, 1929.
MAKI-BALITA: Castro pinag-iingat INC sa bantang magamit upang patalsikin si PBBM