Mga Laro Ngayon
(Rizal Memorial Stadium)
2:00 n.h. -- DLSU vs FEU (Women Finals)
4:30 n.h. -- DLSU vs Ateneo (Men Finals)
PAG-AAGAWAN ng mahigpit na magkaribal na Ateneo de Manila at De La Salle ang titulo ng UAAP Season 81 men’s football championship ngayong hapon sa Rizal Memorial Football Stadium.
Ang knockout finals ay magsisimula sa 4:30 ng hapon.
Apat na beses ng nagkakatapat sa football finals ang dalawang koponan mula noong 1996, at patas sa 2-2 ang kanilang head-to-head duel.
Pinakahuling tapatan nila ay noong 2006 sa Philsports pitch kung saan nagwagi ang Ateneo,1-0.
Tatangkain naman ng De La Salle na wakasan ang kanilang 21-year championship drought.
Huling nagkampeon ang Archers noong 1998, kontra Blue Eagles, 5-1, para sa kanilang fourth title.
Umaasa si coach Alvin Ocampo na gagawin lahat ng Green Booters partikular ng kanilang mga rookies ang kanilang makakayanan upang mapagkampeon ang koponan.
Dulot na rin ito ng pagiging instrumental ng mga rookies sa pag-abot ng Archers sa finals.
“I think it’s high time we talk about the new batch, the new generation,” ani Ocampo.
Mataas naman ang respeto ng Ateneo ace striker na si Jarvey Gayoso para sa koponan ng kanyang tiyuhin na si Alvin Ocampo.
“They are a very young team and hopefully, we will rely on our experience being in the Finals,” ani Gayoso, na inaasahang pamumunuan ang Eagles sa kanilang ika-80 titulo.
Mauuna rito sa women’s division, magtutuos ang De La Salle at FEU sa kampeonato na kapwa maghahangad ng ika-11 nilang titulo ganap na 2:00 ng hapon.
-Marivic Awitan