SMBeermen vs Magnolia Hotshots sa PBA Cup title

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- San Miguel vs Magnolia

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

PASINTABI sa pekeng ‘Spiderman’. Kailangan ng San Miguel Beer ang higit na lakas at tapang ng sariling Spiderman sa katauhan ni Arwin Santos para makaalpas at mahila ang marka ng Beermen sa Philippine basketball.

NAPAYUKO si Terrence Romeo ng San Miguel Beer sa paghahabol sa bola laban kay Teytey Teodoro ng Hotshots sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 6 ng PBA Philippine Cup best-ofseven title series. Nagwagi ang Hotshots para maipuwersa ang ‘do-or-die’ Game 7 ngayon sa MOA. (RIO DELUVIO)

NAPAYUKO si TerrenceRomeo ng San Miguel Beer sa paghahabol sa bola laban kay Teytey Teodoro ng Hotshots sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 6 ng PBA Philippine Cup best-ofseven title series. Nagwagi ang Hotshots para maipuwersa ang ‘do-or-die’ Game 7 ngayon sa MOA. (RIO DELUVIO)

Haharapin ng Beerman ang mapanganib na Magnolia Hotshots sa ‘do-or-die’ game 7 para sa 2019 Philippine Cup championship ngayon ganap na 7:00 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Nasagad ang best-of-seven title series nang languin ng Hotshots ang Beermen, 98-86, sa Game 6 nitong Biyernes.

Ito ang unang pagkakataon mula noong 2016 na umabot ang Philippine Cup Finals hanggang pitong laro. Sa nakalipas na dalawang season, nagawang makuha ng Beermen ang kampeonato sa Game 5 laban sa Ginebra at Magnolia, ayon sa pagkakasunod.

At kung pagbabatayan ay karanasan sa mga ganitong decider game, lamang ang reigning 4-straight Philippine Cup titlist Beermen dahil nagawa na nila ito ng dalawang beses noong 1988 at 1992 kumpara sa Magnolia na minsan pa lamang nanaig sa ganitong laban noong 2013.

Bukod dito, tinitingnan din ng marami ang pagiging apat na sunod na taong kampeon ng SMB sa pinakamahalagang bahagi ng season.

Gayunman, para sa Beermen, walang nakalalamang sa serye.

“Hindi mo masasabi na advantage namin yung experience kasi ang Magnolia, ang taas na rin ng experience. Kakapanalo lang nila ng championship,” pahayag ng reigning league 5-time MVP at 6th straight Philippine Cup BPC awardee na si Junemar Fajardo.

“Basta mataas na rin experience nila. Yun. Wala nang advantage,” aniya.

Ngunit, nangako naman ang Beermen na hindi aatras sa matinding hamon at sa namumuong pressure dulot ng Game 7.

“Kailangan namin maglaro as a team, gusto namin kunin yung Game Seven na yan. ‘Di ganun kadaling makuha kasi ‘di nila ibibigay yun. For sure gusto nilang manalo, gusto nila kaming i-dethrone. Kami naman ‘di kami papayag na basta-basta kami matatalo,” sambit ni Fajardo.

Hindi rin nakadarama ng pressure ang Magnolia.

“Hindi na namin iniisip ;yun. All we’re gonna do is just play our game, be ready for Game 7. Wala namang reason para ma-pressure kami,” pahayag ni Magnolia ace guard Paul Lee.

“Best two words in team sports. We’re ready. We’re happy. We don’t have anything to lose. We had a rough season and for us, it’s an accomplishment. So we’re very happy and very excited to be playing in a Game Seven,” sambit naman ng beteranong si Raffy Reavis.

“They’re gonna make their adjustments we’re gonna make ours. It’s just gonna come down on who wants it more. It’s a player’s game – they say the deciding game of a series is a player’s game, and hopefully that’s the way it goes,” aniya.

-MARIVIC AWITAN