IPINAGDIWANG nitong Lunes ng Simbahang Katolika ang ika-102 anibersaryo ng tanyag na Fatima apparition, na nagpapahayag ng mensahe mula sa Birheng Marya para sa sankatauhan upang magsisi upang makamit ng mundo ang tunay at pangmatagalang kapayapaan.

“The apparitions of Mary in 1917 at Fatima happened for six consecutive months, from May to October, every 13th of the month,” pahayag ni Fr. Omer Prieto ng Immaculate Mary Cathedral sa Cubao, Quezon City, sa isang panayam sa Philippine News Agency (PNA).

“Here, God is revealing to the world that Mary is indeed the ‘woman who will crush the head of the serpent,’ as written in the Bible (Gen. 3:15),” dagdag ni Prieto.

Taong Mayo 13, 1917 nang magpakita ang Blessed Virgin Mary sa tatlong bata--Lucia, 10, Francisco, 9, at Jacinta, 7, sa Fatima, Portugal.

Ipinadala ng Diyos si Maria sa pamamagitan ng aparisyon upang pangunahan ang sangkatauhan na lumaban at gapiin si Satan at mga kakampi nito.

Ayon kay Prieto, panahon upang pakinggan ng mga tao ang panawagan ni Maria na magsisi at magbalik sa Panginoon.

Aniya, ang mga kaguluhan sa mundo tulad ng mga digmaan sa maraming bansa, terorismo, mga kalamidad at krisis sa simbahan ay bahagi ng proseso ng paglilinis para sa sankatauhan upang pakinggan pagsisisi.

Sa mga dokumento ng Simbahan sa Fatima apparition sinasabing naglalaro sina Lucia, Francisco, at Jacinta sa Cova da Iria nang masaksihan nila ang dalawang sinag ng ilaw na tila kidlat, kasunod ng pagpapakita ng Ina ng Diyos.

Ayon kay Lucia, “a Lady dressed in white, more brilliant than the sun…” Her face, indescribably beautiful, was ‘neither sad nor happy, but serious,” with an air of mild reproach. Her hands, joined together as if she was praying, were resting at her breast and pointing upward. A rosary hung from her right hand.”

“The seers were so close to Our Lady -- about a yard and a half away -- that they stood within the light that radiated from her,” ayon sa tala ng Simbahan.

Sa aparisyong ito ipinaabot ng Birheng Maria sa tatlong bata, ang tinatawag na “Three Secrets of Fatima.”

Sa unang mensahe, sinabi ng Birheng Maria na magtatapos na ang Unang Digmaang pandaigdig na lumalaganap sa Europa, at sisiklab ang ikalawang digmaan kung magpapatuloy ang paggawa ng mga kasalanan na ikinagagalit ng Panginoon.

Ayon sa Aleteia, isang worldwide Catholic network, nilinaw noong 2000, ni dating Cardinal Joseph Ratzinger, na kalaunan ay naging Santo Papa, ang senyales at mga simbolo na natagpuan sa Marian apparition.

“For the past century, individuals around the world have developed theories meant to decipher the hidden message of the three ‘secrets’ of Fatima. Yet, Sister Lucia said herself that ‘the interpretation belonged not to the visionary but to the Church.’ It is up to the Church to interpret the various signs and symbols of Our Lady of Fatima to give the faithful a clear guide in understanding what God wants to reveal to us.”

Sinabi ng Aleteia na isinulat ni Ratzinger, ang Doctrine of the Faith, na nagsasaad ng “lengthy theological commentary interpretation of the famous ‘Third Secret.’

Naging tungkulin ni Ratzinger ang “ clarifying the signs and symbols found in the visions of Our Lady, and made some striking discoveries,” dagdag pa sa dokumento.

Sa Pilipinas, ipinadiriwang naman ng mga deboto ang ika-102 anibersaryo ng Fatima Apparitions sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagdarasal ng Holy Rosary na kumikilala sa Birheng Maria para sa pagliligtas nito sa sankatauhan mula sa mga banta at pagkalat ng “perdition where tentacles of terrorism have spread to various parts of the world, the most disastrous of which was the 9/11 terror attack in the United States on Sept. 11, 2001 that killed nearly 3,000.”

Kabilang ang Pilipinas sa maraming bansa na inaatake ng mga terorista tulad ng pag-atake sa Marawi City noong 2017, at kamakailan lamang ang pag-atake sa isang Simbahan sa Jolo, Sulu.

Sa kabila ng mga kaguluhang nagaganap ngayongh araw. Hindi iniwan at pinabayaan ng Diyos ang sankatauhan, sa pamamagitan sa lahat na magsisi at muling magbalik sa Diyos, bago mahuli ang lahat

PNA