Team Standings W L
(North)
San Juan 6 1
Caloocan 5 2
Bulacan 5 2
Valenzuela 4 3
Malabon 3 4
San Mateo 2 5
Novo Ecijano 2 5
Quezon City 1 6
(South)
General Trias 7 0
Manila 6 1
Parañaque 4 3
Binangonan 3 4
Marikina 3 4
Pasigueño 2 5
Rizal 2 5
Rizaba 1 6
SUMANDIG ang Marikina sa matikas na opensa ni Angelo De Guzman para mapisak ang Rizaba, 101-98, sa pagtatapos ng elimination round ng Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup North Division nitong Linggo sa Niagara gym sa Caloocan.
Giniba ni De Guzman ang depensa ng karibal tungo sa game-high 31 puntos mula sa 13-of-17 shooting para ibigay sa Sapateros ang ikatlong panalo sa pitong laro sa torneo na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.
Nag-ambag sina Vince Joseph Ramos at Chester Girado ng tig-11 puntos, habang kumana si Jerome Tarucan ng 10 puntos para sa Marikina.
Nanguna sa Rizaba sina Ron Allan Villanueva at Jerich Pelipe na tumipa ng 23 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Bagsak ang Rizaba sa 1-6 karta.
Sa iba pang North Division game, naisalba ng Rizal ang matikas na ratsada ng Pasigueno, 100-95, para sa 2-5 marka.
Kumubra si Dennis Santos ng 32 puntos at 12 rebounds para sa Rizal.
Nagsalansan sina Kim Reyes at Francis Ronquilo ng tig-18 puntos para sa Pasigueno.
Iskor:
(Unang Laro)
Marikina (101) -- De Guzman 31, Ramos 11, Girado 11, Tarucan 10, Santos 8, Penaflorida 6, Sang 6, Limin 5, Guzman 4, Eulalia 3, Tan 3, Campos 2, Fortuno 1.
Rizaba (98) -- Villanueva 23, Pelipe 19, Barrera 14, Tungala 9, Arellano 9, Indino 9, Danax 6, Penalba 6, Angeles 3
Quarterscores: 25-26, 48-52, 80-78, 101-98
(Ikalawang Laro)
Rizal (100) --Santos 32, Estrella 22, Lucas 15, Ilac 11, Lucas 7, Rivera 7, Mag-isa 6.
Pasigueño (95) -- Ronquillo 18, Reyes 18, Chavenia 13, Rodriguez 13, Jacinto 9, Trinidad 8, Fajardo 6, Malinao 4, Clarences 4, Gallano 0.
Quarterscores: 14-27, 48-46, 71-65, 100-95..