MAGKASUNOD ang birthday nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, kaya pinag-isa na rin ang birthday celebration nila with their respective families.

Pamilya nina Jennylyn at Dennis

Birthday ni Dennis noong May 12 at birthday ni Jennylyn sa May 15. Nitong May 12 ginanap ang joint birthday celebration nila sa bahay ni Jennylyn. Mother’s Day treat na rin ang joint birthday celebration ng dalawa kina Mrs. Rita Ho (mom ni Dennis) at Jennylyn.

Ang sayang tingnan ng mga litrato na kuha sa joint birthday celebration nina Dennis at Jennylyn, dahil kumpleto ang both families nila. Dumalo rin siyempre ang mga anak ng couple na sina Calyx at Jazz.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Anyway, si Jennylyn ay napapanood sa rom-com series ng GMA-7 na Love You Two, habang tinatapos naman ni Dennis ang pelikulang On The Job 2, ng Reality Entertainment.

Nitz Miralles