PINURI ni Col. Gerry Besana,tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command,ang pagbabago sa kultura ng halalan sa katimugang bahagi ng bansa, ito ay kaugnay sa ginanap na 2019 midterm elections. “Technology-wise, malakina ang naging pagbabago.Yung mga counting machines natin, malaki ang naitulong.Dati-rati, mano-mano talaga.Noong araw, usong-uso yung mga private armed groups, harrasment, at patayan.Pero ngayon, dahil na rin sa maturity ng mga voters at new generation of political figures natin, they are more civil,” pahayag ni Besana.
Naging batayan ni Besana ang tagumpay ng barangay elections at Bangsamoro Organic Law plebiscite na kung saan ay mas naging maayos ang proseso, kumpara sa mga nagdaang halalan tatlo o anim na taon na ang nakalilipas.Ngayong 2019 midterm elections, kasama sa nakaatang sa hanay ni Besana ang seguridad ng mga polling centers sa Mindanao.
“We will be in charge of the security sa kapaligiran ng mga polling centers beyond 30 to 50 meters lang. So hindi kami pumupunta talaga sa loob. Kasama rin yung seguridad sa paglilipat ng mga election paraphernalias like ballots and counting machines. Nakasuporta tayo sa PNP at Comelec, at meron dintayongtinatawagna security and coordinating centers sa lahat ng municipalities, provinces, at regions,” dagdag ni Besana.
Sa kabila ng mga pagbabago, nanatiling Red Election Hotspot ang buong Mindanao, ayon sa Comelec, dahil na rin sa kasaysayan nitong failure of elections, dayaan, karahasan, at tradisyunal na tunggalian ng mga political parties at candidates. Isa sa mga tinututukan ngayon ng AFP ay ang Cotabato City.
“Medyo mainit talaga yung laban dito ng mga political figures. We’re hoping na yung ina-anticipate natin na puwedeng magkaroon ng kaguluhan ay hindi mangyari. Besides, we’ve been trying to educate na ang electorate pa rin ang mag-suffer kapag may kaguluhan or failure of elections sa kanilang lugar,” sabi ni Besana.
“Gaya nga nang sinasabi ng Commander namin sa Western Mindanao Command na si General Arnel dela Vega at Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. sa mga sundalo at sa PNP, we have to focus on the task at hand. Kung ano man ang mandato na ibinigay ay doon tayo. Siguruhin na peaceful, orderly, at maging credible talaga yung election,” dagdag pa niya.
Umaasa ang AFP na gagamitin ng lahat ng mamamayan ang kanilang karapatan sa pagboto, at ang pakikiisa nila sa mga sangay ng pamahalaan para sa isang maayos na halalan. Nanawagan pa si Besana sa mga botante na ayusin ang pagboto, pumili ng tamang lider, at huwag ibenta ang boto, sa pagkat isa ito sa mga karapatang hindi maaaring alisin mula sa mga mamamayan.
-LIONELL GO MACAHILIG