PUMANAW na ang aktres na si Doris Day, isa sa mga pinakamahuhusay na box-office attractions ng kanyang henerasyon at ang masayahin, freckle-faced personification ng “wholesomeness”, nitong Lunes sa edad na 97, inihayag ng kanyang foundation.
Binawian ng buhay si Doris, na bumida kasama ang 1950s at ‘60s superstars gaya nina Rock Hudson at Cary Grant, sa kanyang tahanan sa Carmel, California dahil sa pneumonia, pahayag ng Doris Day Animal Foundation sa website nito.
Ang kanyang shiny girl-next-door image ay nabuo dahil sa series ng innocent romantic comedies, gaya ng Pillow Talk, kung saan nakatanggap si Doris ng Oscar nomination, That Touch of Mink, at The Thrill of It All.
Nagkaroon din siya ng mga patok na records, at ang pinakatanyag ay ang Que Sera, Sera mula sa pelikulang The Man Who Knew Too Much. Naging theme song niya ito, kahit na sa una ay nag-alangan siyang i-record ito.
Ang buhay ni Doris ay hindi laging matingkad gaya ng kanyang movie roles. Apat na beses siyang ikinasal, divorced three times at isang beses siyang nabalo. Dumanas ng nervous breakdown at nagkaroon ng malalang problema sa pera nang lustayin ng isa sa kanyang mga naging asawa ay ang pera niya.
“My public image is unshakably that of America’s wholesome virgin, the girl next door, carefree and brimming with happiness,” aniya sa isang memoir, “an image, I can assure you, more make-believe than any film part I ever played. But I am Miss Chastity Belt and that’s all there is to it.”
“She’s the girl every guy should marry,” lahad ng critic sa Saturday Review. “Marilyn Monroe, Elizabeth Taylor, Kim Novak? They’d all be trouble. Doris Day would be true blue, understanding, direct, honest, and even a little sexy.”
Dumagsa naman ang pakikiramay mula sa mga kapwa niya entertainment giants sa pamilya ni Doris.
Ayon sa dating Beatles member na si Paul McCartney, si Doris ay isang “true star” na mayroong “a heart of gold.”
“I will miss her but will always remember her twinkling smile and infectious laugh,” sabi ni Paul sa kanyang website.
“She was a wonderful friend to us and a lovely and very talented lady,” post naman ng mang-aawit na si Tony Bennett sa Twitter. “We will miss her beautiful smile.”
-Reuters