‘BOLDER, Fiercer’, ito ang tagline ngayon ng ilang miyembro ng Girltrends na may bagong pangalan na ngayon, the new GT na kinabibilangan nina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Sammie Rimando, Joana Hipolito at Dawn Chang.

GT

Ayon sa GT, dumaan sila sa audition kay Direk Lauren Dyogi na umabot sa mahigit 100 auditionee at isa-isa silang pinasayaw ng TV executive.

“Tamang process ang pagbuo ng GT. Tapos nu’ng nakapili na po, tinurn-over na po kami sa Showtime tapos sila na po ang nagbigay ng platform para mag-perform,” say ni Mica.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

May pera o malaki ba ang kita sa pagsasayaw?

“Meron naman po, kahit anong creative po kung paghuhusayan po, may pera po diyan kasi kung hindi huhusayan, hindi rin kukunin ng shows at rakets and yes may pera po sa pagsasayaw, pagkanta at pag-perform po,” paliwanag ni Mica.

Regular na napapanood ang Girltrends sa It’s Showtime at maraming bata at dalagita ang sumusubaybay sa kanila at ginagawa pa ang kanilang dance moves, tulad din ng mga mga batang lalaki at binatilyo na gustung-gusto ang Hashtags.

Sa bagong awitin ng GT na Breakthrough na sinulat at prodyus ni Mica, ay bago na ang branding nila dahil pa-sexy na ang bagong pop group kaya natanong sila kung paano na ang mga batang fans nila.

“Hindi po siguro sa pagiging bawal, we represent women empowerment na ‘yung fans namin na mga bata dati ay lumalaki rin po sila and daring kami in a sense na pinaninindigan namin ‘yung mga ginagawa namin, ‘yung confidence namin sa ibang tao, we just want to be positive with our fans kung bata sila o tumanda na sila,” paliwanag ni Mica, isa sa ate ng grupo.

Nabanggit pa na ang Breakthrough ay dapat na ire-release ni Mica bilang single pero nang marinig ito ng mga bossing ng Showtime ay mas bumagay daw ito sa bagong branding ng GT na girls empowerment.

“And for me, naisip ko rin po na this song is bigger than me so mas mainam na i-share ko rin sa grupo na lahat kami ay may kanya-kanyang pinagdaanan sa buhay kaya mas malakas ang message ng kanta kung lahat kami, kumpara kung ako lang ang kakanta,” katuwiran ni Mica.

Natanong din kung paano hinaharap ng grupo ang mga intriga na hindi naman talaga maiiwasan.

“Maraming beses na po kaming nagkaroon ng open forum, lahat naman po nagkakaroon ng misunderstanding, pero kapag napag-uusapan po ng maayos at the end of the day, okay na po kami lahat. ‘Yun po ang ginawa namin, open forum, family pa rin po ang turingan namin,” pahayag ni Sammie.

“Lahat ng pinagdaanan namin thru hardships, ups and down, nalagpasan namin and we’re happy na nandito po kami sa harap ninyo ngayon,” sabi pa ng ibang miyembro.

Pito na lang ang natirang Girltrends dahil ‘yung iba ay nawala na, sabi nga ng grupo, “hindi namin alam kung saan kami dadalhin kasi may mabubuo tapos may mawawala, tapos bubuo tapos may mawawala po ulit. Ang hirap kasi napamahal na rin sa amin ‘yung mga nawala.”

Umabot daw sa 23 ang Girltrends hanggang sa umabot na lang sa pito.

Bakit nga ba kailangan i-rebrand ang Girltrend gayung established na sila simula nang ipakilala sila sa Showtime noong Pebrero 2016?

“Because we want to show the different side of us that we can offer more. The opportunity that we were given before, we want it to show the people lalung-lalo na ‘yung mga nanonood ng It’s Showtime, that there’s more to… it’s not just dancing na kumekembot lang kami sa Showtime, sa opening number.

“We’re not just pretty faces, kakapalan ko na po ang mukha ko, kahit kami tina-try naming i-empower ang sarili namin to take responsibility of our own actions (and) eventually (to make it an) inspiration not just to the youth. Kasi for me, importante kahit bata pa na aware of what’s happening in the surroundings, I think that’s one big problem kapag pinalaki ng (maraming bawal).

“Ako po kasi pinalaki na very rich in Filipino culture, ‘wag kang magsusuot ng ganyan kasi maggaganito ka, but it’s about time that we educate the youth, not just because we dress like this, it doesn’t mean or does not define (us) as a person.

“We can dress like this, we can have much tattoo as we want, whatever career or religion that we chose, as long as our intentions are pure and that we empowered ourselves and live good examples in life. You don’t need to justify anything to the people especially to the ones that judging you, it will show eventually. The right people will see the potential in you, will see clearly what’s in your heart and everything’s going to be fine.

“You don’t have to prove yourself every single time, you don’t have to be white to fit the beauty in the society, just be yourself, that’s what we wanted to do now,” paliwanag mabuti naman ni Dawn.

Nabanggit din na may kanya-kanyang forte ang natirang pitong miyembro ng GT tulad ng mahusay sa pag-arte, pagkanta, hosting, sumali sa singing contest at may negosyante rin.

-REGGEE BONOAN