NASILAT ng La Consolacion-Manila at Philippine Christian University ang liyamadong karibal sa seniors division ng 25th Fr. Martin's Cup Summer League nitong Biyernes sa pagtataguyod ng Resorts World Manila.

Ginapi ng LaCo ang Far Eastern U, 66-62; habang natupi ng PCU ang Arellano, 72-69.

Nanguna sina Thurlough Grealy at Jesse Bardaje sa naiskor na pinagsamang 21 puntos para sa LaCo.

Namayani naman ang San Beda's high school teams sa juniors division.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pinataob ng Red Cubs Taytay ang AMA Junior Titans, 131-70, habang nanaig ang Red Cubs B sa La Consolacion-Manila Junior Royals, 64-91.