Napatay ang isang tauhan ng Philippine Army (PA) habang sugatan naman ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang ambusin sila ng grupo ng New People’s Army (NPA) sa Jones, Isabela, kahapon.

AMBUSH(3)

Nakilala ang nasawi na si Private First Class Esternado Zipagan at  sugatan naman ang isang tauhan ng CAFGU na si Joey Baguiwong.

Ayon kay Maj. Gen. Pablo Lorenzo, 5thInfantry Division n(ID) commander, naganap ang pananambang sa Purok 7, Bgy. San Sebastian.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Idinagdag pa nito, mag-iinspeksyon lamang sana ang mga ito sa isang community project nang sila ay tambangan ng hindi matiyak na bilang ng mga rebelde.

-Fer Taboy