INALISAN na ni Sharon Cuneta ng pag-asa ang fans nila ni Gabby Concepcion na matutuloy pa ang reunion movie nila.

Sharon at Gabby

Sa guesting ni Sharon sa DZMM Teleradyo para i-promote ang pelikula nilang Kuwaresma, na showing na sa May 15, sinagot ni Sharon ang tanong ng fans kung may aabangan pa silang pelikula nila ng dating asawa at daddy ng panganay niyang si KC Concepcion.

“Sorry mga anak kong S-G. Wala na talaga, eh. Wala na talagang pag-ibig o malisya. Kunin man ako ni Lord ngayon. Friendship pa alang-alang LANG kay KC. Pero okay din naman kundi rin ibibigay ni Lord. Mas quiet at peaceful! Lab yu kids. #sorrynotsorry #butsanafriendsehwalaeh! LOL.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Anyway, ipinost din ni Sharon ang old photo niya noong payat pa siya at naka-two-piece swimsuit, kasama ang litrato niya ngayon na malaki na ang ipinayat niya.

“Love it, dear Prima! And I AM GONNA ROCK A BIKINI AGAIN. I made that promise to myself! Before everything goes south. LOL. Love you,” caption niya.

Nabanggit ni Sharon na 13 lbs. pa ang dapat niyang maalis bago ma-achieve ang goal niyang right weight. Hindi naman nito nabanggit ang weight niya ngayon, basta, kita ang kanyang pagpayat.

Samantala, may advance screening ng Kuwaresma sa UP Film Center, 7:00 pm, this Thursday, bago ang premiere night sa May 13 sa SM Megamall, at bago ang regular showing sa May 15.

Director’s cut ang mapapanood sa UP Film Center, na magandang mapanood lalo na at nangako si Direk Erik Matti ng kakaibang horror film.

Ang Reality Entertainment at Globe Studios ang producer ng Kuwaresma, na tinatampukan din nina John Arcilla, Guila Alvarez at ang newcomers, ang magkapatid na sina Pam at Kent Gonzales.

-Nitz Miralles