KASABAY ng pagkawala ni Liza Soberano bilang Darna ang pagkawala rin ng kilalang aktor sa project.

“Siya kasi ang leading man ni Liza, eh, since wala na si Liza, natural papalitan na rin siya,” kuwento ng aming source.

Nakuwento sa amin ng taga-production ang tungkol sa malawakang audition para sa gaganap na Darna, at sa ilang karakter sa remake.

Hirit namin, pinaiingay lang yata nila ang Darna audition para pag-usapan, pero ang totoo may napili nang kapalit ni Liza.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“To be honest, wala pang napipili for the role. Ang hirap maghanap kasi kailangan maliksi, bonus points na ‘yung marunong sa martial arts para hindi na mahirap i-train.

“Gusto kasi fresh pa para mas pag-usapan, kaysa ‘yung mga nababanggit ng artista na bagay si ganyan o si ganito. Parang mas gustong bagong mukha,” paliwanag sa amin.

May nabanggit na pangalan na gustong maging Darna, pero ibang role ang ibibigay sa kanya, dahil mas bagay siyang maging si Valentina.

Hindi n a muna namin papangalanan kung sino ang aktres na ito, pero tama, mas bagay nga sa kanya ang role na Valentina kaysa Darna.

-Reggee Bonoan