Sangkot umano si Pangasinan 5th District  Rep. Amado Espino, Jr. at isa pang kasamahan nito, sa operasyon ng pagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa Metro Manila.

EX-SOLON (21)

Ito ang nilalaman ng joint affidavit ng dalawa umano nilang trabahador na sina Lawrence Ocampo at Renato Alonir, kasunod na rin ng pagkakaaresto sa kanila ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang pagsalakay sa Taytay, Rizal, nitong nakaraang Abril 15.

Sa imbestigasyon ng NBI, ang dalawa ay matagal na umanong nagtatrabaho kina Espino at Dong Calugay bilang tagabenta at tagamahagi ng mga pekeng Marlboro at Philip Morris cigarettes sa National Captal Region (NCR) at sa karatig-lugar nito.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Sa naturang raid, nasamsam ang 12 kahon ng pekeng sigarilyo, karamihan ay may nakadikit na umano’y litrato ni Pogi Espino na kumakandidato sa pagka-gobernador sa Pangasinan.

Sa kanilang testimonya, ibinunyag nina Ocampo at Alonir ang pagkakasangkot nina Espino at Calugay sa nabanggit na iligal na gawain.

“Kami po ang tagahakot at taghatid ng mga pekeng sigarilyo ng Marlboro at Philip Morris sa kalakhang Maynila at karatig-bayan po nito,” ayon sa testimonya ng dalawa.

Inihayag pa ng mga ito na hinahanap umano sila ng mga tauhan nina Espino aty Calugay sa kani-kanilang bahay upang hingan ng paliwanag sa kanilang pagbibigay ng sinumpaang-salaysay sa NBI kaugnay ng usapin.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8293 o paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

-Liezle Basa Iñigo