HAHAMUNIN ni dating WBC world flyweight champion Sonny Boy Jaro si WBC Asian Boxing Council bantamweight champion Nawaphon Kaikana ng Thailand sa Mayo 18 sa Workpoint Studio sa Bang Phun, Thailand.

Ang 37-anyos na si Jaro (45-14-5, 32KO) ay huling nagwagi via 5th round TKO kay Indonesian Boida Simanjuntak nitong Marso 8 sa Angono, Rizal.

Nakamit niya ang WBC World flyweight title via 6th round TKO kontra Pongsaklek Wonjongkam noong Marso 2, 2012.

Nakamit niya ang bakanteng WBC International superflyweight title kontra Marjun Pantilgan noong Nov. 16, 2016 sa Makati City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ng 27-anyos na si Kaikana ang markang 44 panalo, isang talo, tampoka ng 34KO. Huli siyang sumabak at nagwagi kay Worawatchai Boonjan nitong Dec. 18, 2018.

Nakamit niya ang bakanteng WBC ABC bantamweight title kontra Likit Chane noong July 21, 2018. Napanatili niya ito via 4th round TKO win kontra Richard Claveras nitong Nov. 17, 2018 sa Bang Phun.