Mga Laro sa Huwebes

(Ynares Sports Arena, Pasig)

12:00 n.h. -- Metropac-San Beda vs Marinerong Pilipino

2:00 n.h. -- Batangas-EAC vs Petron-Letran

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

4:00 n.h. -- Che’Lu Bar and Grill vs AMA Online Education

NASUNDAN ang ratsada ng Go for Gold-CSB nang gapiin ang AMA Online Education, 109-91, kahapon sa 2019 PBA D-League playoffs sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nakamit ng Blazers ang ikaapatna sunod na panalo.

Hataw si Roosevelt Adams sa naiskor na 21 puntos para pangunahan ang Scratchers bukod sa 17 rebounds, at limang assists, habang kumana si Robi Nayve ng 19 puntos at limang rebounds.

Nag-ambag si Carlo Young ng 13 puntos at tumipa si Jimboy Pasturan ng 12.

Hawak ng Scratchers ang No.4 sa Aspirants Group tangan ang 5-3 karta.

“I think we just got off to a bad start. Medyo slow start kami, but we picked it up and we’re playing much better,” pahayag ni coach Charles Tiu.

Hataw si Joshua Munzon na may 30 puntos, 12 rebounds, apat na assists, at tatlong steals para sa AMA (2-4).

Iskor:

GO FOR GOLD-CSB (109) -- Adams 21, Nayve 19, Young 13, Pasturan 12, Dixon 11, Belgica 11, Haruna 8, Naboa 5, Leutcheu 4, Domingo 3, Pangalangan 2, Carlos 0.

AMA (91) -- Munzon 30, Johnson 26, Rike 12, Arambulo 8, Dela Rosa 7, Parcero 4, Raflores 2, Estibar 2, Asuncion 0, Catequista 0, Alina 0.

Quarters: 22-20, 47-45, 77-68, 109-91.