NAGBIGAY ng kumpirmasyon ng paglahok sina Grandmaster Darwin Laylo, International Masters (IMs) Ronald Dableo, Angelo Young, Barlo Nadera, Ricardo de Guzman, Deniel Quizon at Chris Ramayrat, National Master Marc Christian Nazario at United states chess master Jose “Jojo” Aquino Jr. sa pagtulak ng iAlpha One Extreme Solution Open Rapid Chess Championship sa Mayo 30 sa Xentro Mall sa Antipolo City.

Ipatutupad ang seven round swiss-system, 20 minutes + 5 seconds delay time control format na bukas sa lahat ng chess players, anuman ang kasarian at edad, may titulo man o wala sa event na suportado ng 4knights Chess Cafe at Zabryne’s Chess Cafe at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.

Ayon kay Chief Operations Officer at Vice President Jessie Pendre ng organizing Alpha One Extreme Solution, tatangap ang magkakampeon ng P20,000 plus trophy habang ang second P15,000, third P10,000, fourth P8,000 at fifth P6,000 at sixth hanggang 10th placer na tig P2,000 plus medals.

Ayon kay Assistant Vice President Mc Daniel Ebao na ang advance registration fee ay nagkakahalaga ng P500 plus free t-shirt (For advance entry). Habang ang deadline of registration sa Mayo 25, 2019. Ang on-site registration ay P600.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Libre ang registration para sa Grandmaster, Woman Grandmaster, International Master at Woman International Master habang P300 (discounted) para sa National Master, Woman National Master, Fide Master, Woman Fide Master, 16 years old and below (Youth), lady, PWD, Senior 50 above at media.

Pangangasiwaan ang torneo ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa gabay nina national arbiters Alexander “Alex” Dinoy at Alfredo Chay.