Nag-umpisa ang shooting ng bandang 2pm sa STEM School Highlands Ranch sa Littleton,  Colorado.

Ayon sa  Douglas County Sheriff’s Office, may isang nang namatay (18 anyos) at may walong sugatan (15 anyos ang pinakabata). Patuloy pa rin nilang inaalam ang bilang ng mga nasugatan sa insidente.

Nang dumating ang mga pulis ay patuloy pa rin nilang naririnig ang putok ng baril at tinulungan ang iba pang estudyanteng makalikas upang makalabas sa building.

Nahuli din ng mga pulis ang dalawang suspek at nasa ilalim na ng imbestigasyon.

Kakampi o kritiko: Mga senador dapat gawin ang tungkulin sa impeachment trial ni VP Sara — Hontiveros