Patay ang tatlong tao habang sugatan ang 76 iba pa nang magkasalpukan ang isang tour bus at isang truck sa Barangay Santa Catalina, Atimonan, Quezon, nitong Lunes ng gabi.

BUS VS TRUCK Nagmamando ng trapiko ang barangay police matapos na sumalpok ang isang tour bus sa isang 10-wheeler truck sa Bgy. Santa Catalina, Atimonan, Quezon, nitong Lunes ng gabi. (JANSEN ROMERO)

BUS VS TRUCK Nagmamando ng trapiko ang barangay police matapos na sumalpok ang isang tour bus sa isang 10-wheeler truck sa Bgy. Santa Catalina, Atimonan, Quezon, nitong Lunes ng gabi. (JANSEN ROMERO)

Kinilala ang mga nasawi na sina Benedict Borja Belencio, driver ng truck; Michael Gerona, helper ni Belencio; at ang pasahero ng bus na si Pio Jacob del Monte.

Isinugod naman ang mga sugatan sa Doña Martha Hospital at Nuestra Senora Hospital sa Atimonan.

Kakampi o kritiko: Mga senador dapat gawin ang tungkulin sa impeachment trial ni VP Sara — Hontiveros

Sa ulat, binabagtas ng AMV Travel and Tour bus, na minamaneho ni Maximo Leoriego, ng Camarines Sur, ang pa-Bicol, pero pagsapit sa Diversion Road ay nag-overtake ito sa isa pang sasakyan, dakong 6:10 ng gabi.

Sumalpok ang bus sa 10-wheeler truck (AAQ-8534), na minamaneho ni Belencio, na noon ay tumatawid sa kabilang lane.

-Danny Estacio