Team Standings
(North) W L
QC 3 2
Caloocan 3 2
Valenzuela 2 2
Manila 2 3
Marikina 1 4
(South)
Bacoor 6 0
Taguig 3 2
Pasig 2 3
San Juan 1 3
Pateros 1 3
Mga Laro sa Martes
(San Juan Gymnasium)
10:30 n.u. -- Valenzuela vs Quezon City (17U)
1:00 n.h. -- Makati vs Las Piñas (17U)
2:30 n.h. -- San Juan vs Caloocan (17U)
4:30 n.h. -- Pateros vs Taguig (Open Reinforced 2nd Conf)
6:00 n.g. -- San Juan vs Quezon City (Open Reinforced 2nd Conf)
NANATILING walang talo ang baguhang koponan na Bacoor Strike sa Serbisyo habang isang historic win ang ipinoste ng Manila-INGCO sa pagpapatuloy ng Metro League Reinforced (Second) Conference nitong Sabado sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig.
Ipinoste ng Strikers ang 80-77 panalo kontra home team Taguig Generals para sa ika-6 na sunod nilang tagumpay sa import-flavored M-League conference na suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 bilang league presentor.
Pinangunahan ni Prince Orizu ang nasabing panalo ng Bacoor sa itinala nitong 18 puntos at 9 rebounds.
Mula sa 77-69 na kalamangan may natitira pang 1:22 oras sa laban, nalagay pa sa alanganin ang Strikers matapos tapyasin ng Generals ang kanilang bentahe sa dalawang puntos, 75-77, may nalalabi pang 43 segundo sa laro.
Dito na sumaklolo si Orizu at sinelyuhan ang kanilang panalo sa pamamagitan ng isang dunk.
Nanguna naman ang import na si Emmanuel Ojuola para sa Taguig na bumaba sa markang 2-3 sa ipinoste nyang 25 puntos at 9 rebounds para sa South Division ng ligang suportado din ng SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet provider at Manila Bulletin bilang media partner.
Naitala naman ng Manila Stars season’s highest scoring record matapos ang kanilang 147-142 panalo kontra Pasiguenos.
Nanguna si Carlo Lastimosa na umiskor ng 31 puntos at 5 rebounds para sa Stars na nagtapos na may 46 puntos sa first period na nagresulta sa 77-64 bentahe sa halftime na sya ring highest scoring half sa M-League history.
Dahil sa panalo, umangat ang Manila sa markang 2-3 sa North Division kapantay ng Pasiguenos na nasa South Division. Marivic Awitan
Iskor:
(Unang Laro)
Manila (147) -- Lastimosa 31, Camacho 19, Arafat 17, Acosta 16, Castro 12, Celada 12, Laude 12, Mendoza 10, Acibar 8, Orquina 6, Yu 4, Manalo 0, Alban 0, Balagtas 0
Pasig (142) -- Gatchalian 27, Doroteo 26, Koga 22, Caranguian 19, Gallano 13, Chavenia 8, Rodriguez 8, Reyes 0
Quarterscores: 46-37, 77-64, 119-108, 147-142
(Ikalawang Laro)
Bacoor (80) -- Orizu 18, Montuano 14, Doligon 11, Castro 11, Descamento 8, Malabag 7, Maligon 4, Ochea 4, Acuna 3, Miranda 0, Bugarin 0, Pangilinan 0
Taguig (77) -- Ojuola 25, Mayo 15, Grevanni 15, Uyloan 6, Oliveria 4, Francisco 3, Sampuna 3, Gilbero 2, Guiyab 2, Gozum 2, Monte 0, Caduada 0, Orodio 0, Alcantara 0, Lontoc 0.
Quarterscores: 18-22, 37-37, 56-51, 80-77