DARWIN, Australia – Naibigay ni John Ignatius Macas ang huling ginto para sa Team Philippines, habang tinapos ng Pinoy ang kampanya sa silver medal sa badminton sa pagtatapos ng Arafura Games dito.

Ginapi ni Macas si Ivan Pavich ng New Zealand via referee stopped contest Saturday para masubi ang ginto sa men’s flyweight division Sabado ng gabi sa Darwin Convention Centre.

Kinapos naman ang Filipino shuttlers sa East Kalimantan, 5-3, sa final.

Tinapos ng Team Philippines ang kampanya na may naiuwing 31 ginto, 51 silver at 34 bronze medal.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Nagwagi si Karylle Kaye Medina kontra Karina Ria Hardianti, 21-19, 13-21, 21-19, sa women’s singles, habang namayani si Estarco Bacalso kay Surya Purnamasidi, 18-21, 21-10, 21-15, sa men’s singles.

Naghari din ang tambalan nina Bacalso at Arthur Samuel Salvadokontra Haikal Afrizal at Purnamasidi, 21-19, 25-23, sa men’s doubles para sa ikatlong panalo sa final tie.

Nakuha rin ng men’s and women’s regu team sa sepak takraw ang bronze medal.

Nagdagdag din ng bronze ang boxing mula kay Jhon Christian Noces, nabigo sa welterweight division semifinals kay Tom Hanns ng New Zealand.

Nakakuha rin ng bronze medal ang men’s beach volleyball team nina Johnrel Amora at Hachaliah Galbuena, nabigo sa Australia 7, 21-10, 21-12.