Kaboses ni Mark Anthony Fernandez ang anak na si Grae Fernandez, ito ang napansin ng lahat ng dumalo sa media day ng "Ang Hiwaga ng Kambat" kamakailan, at ito rin pala ang madalas sabihin sa batang aktor.

Grae Fernandez

Grae Fernandez

Si Grae ang kakambal ni Edward Barber sa kuwento bilang si Mateo Baron at lumaking spoiled brat dahil may kaya ang umampon sa kanya.

Samantalang si Edward naman ay si Iking Castro na isang bulag pero matalas ang pakiramdam at sa gabi ay nagiging paniki.

Tsika at Intriga

Netizens inggit: Zeinab, flinex pag-uulayaw nila ng mister sa bathtub

Natanong si Grae kung may naturo sa kanya ang daddy niyang si Mark pagdating sa pag-arte.

“Ayaw niya po ako turuan ng mga ganu’n kasi baka magaya ko, o sabihin ng ibang tao ginagaya ko siya, so gusto niyang maging original ako sa sarili ko na sa style. Hahanapin mo ‘yung sariling style kasi kung nakita mo ‘yung style ng isang tao, ano pa ang maibibigay mong bago? ‘Yun po ang na-learn ko,” sabi ng batang aktor.

Napuri ni Grae si Edward dahil sa 15 days palang nilang pagte-taping ng Hiwaga ng Kambat ay nakita na nito ang dedikasyon ng huli sa trabaho.

“Makikita mo talaga na gustung-gusto niyang matuto at sobrang nakakabilib ‘yun kasi makikita. Ako po kasi sa sarili ko lahat ng ginagawa ko binibigyan ko ng pagmamahal at dedikasyon, ‘pag nakikita ko sa ibang tao, sobrang bilib ako sa taong ‘yun kasi nakikita ko po ang sarili ko sa kanya,” pahayag ni Grae.

Ayon naman kay Edward, “For me, Grae, he’s more senior, I feel we have that drive, nandiyan ‘yung motivation kasi ‘yung mga pangarap namin nandiyan na, abot kamay na. verything we want to achieve is there for our taking. This is a big chance for both of us, to push ourselves to show what we can do of what we thought is possible. So nandiyan ‘yung motivation. We have this respect for the craft, nandiyan talaga ‘yun. I can see there are few people who do it. I want to do is acting specifically, I don’t want just to be there na parang pa-cute lang. I want to expand the skills and the knowledge of the craft and to take care of it kasi it’s a big thing. I think that for both of us (Grae) there’s a love for the work that pushes as towards.”

Samantala, may special feelings pala si Grae sa partner niya sa Hiwaga ng Kambat na si Chantal Videla base sa panayam nito sa Tonight with Boy Abunda. Kaya tinanong ang binatilyo kung ano ang nakita niya sa kanyang ka-loveteam.

“Like ko po si Chantal. Nakita ko sa kanya ‘yung devotion to God talaga, sobrang mahal niya ang Panginoon at ganu’n din po ako. At everytime nagpi-pray siya at malapit siya sa pamilya niya at nakita ko po na palagi niyang kasama ang nanay at tatay niya. Mahilig po kasi ako sa ganu’n, malapit sa pamilya at masaya. Makikita mo talaga na masaya sila,” pag-amin ni Grae.

At siyempre hiningan naman ng reaksyon si Chantal, “thank you kasi ‘yun ang nakita mo sa akin. Hindi ko na-expect ‘yun from you, ha (sabay tingin kay Grae). Hindi po kasi hindi siya masyadong nag-e-express (ng feelings).”

Klinaro ni Chantal na hindi pa niya naiisip na magkaroon ng boyfriend sa edad na 16.

“Wala pa po sa loob ko. Gusto ko pong i-enjoy pa ‘yung pagiging kabataan ko. Usapan po namin ng daddy ko na 28 years old pa ako puwedeng magkaroon ng boyfriend. Sabi nga po ni mommy tumawad daw ako, mga 25 years old daw. May time pa naman para diyan at hindi pa po ako matured para magka-boyfriend. Mas gugustuhin ko po ‘pag matured na talaga ako para responsible po ako sa decisions ko.

“Willing po akong sundin ang sinasasabi ng parents ko kasi they know what’s best for me. Ngayon po nakaka-work ko po sila (Grae, Edward at Maymay), may mga achievements po ako kasi sinusunod ko ang mommy at daddy ko,” pahayag ni Chantal.

At willing naman daw si Grae, “actually ganu’n din po ang set of mind ko. Para maibigay ko muna ang dedikasyon, ang ginagawa ko, sa work.”

Ano naman ang gusto ni Chantal kay Grae?

“Gentleman po siya, honestly, hindi po ako kasi sanay na ang lalaki very touchy at alam po ni Grae ‘yun kaya nagustuhan ko po ‘yun, sa eksena po ‘yun.”

Ang "Hiwaga ng Kambat" ang buwena manong handog ng Dreamscape Entertainment para sa Bagong Weekend Serye kapalit ng Wansapanataym na napapanood tuwing Linggo.

Ngayong Linggo ng gabi, abangan kung mabubuking na ni Mateo ang lihim ng pagkatao ni Iking sa muli silang magtatapat dahil magpapagalingan sila sa arnis.

Magugulat si Mateo sa husay ni Iking sa kabila ng pagiging bulag nito at maghahamon pa ng rematch. Pero bago pa man matapos ang laban nila, tatakas si Iking sa takot na makita siya ng kaaway na magpalit-anyo bilang paniki. Ang Hiwaga ng Kambat ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Jerome Pobocan.

Reggee Bonoan