Anim na Pinoy ang napabilang sa 100 siyentista na kinilalang katangi-tangi, sa artikulo sa Asian Scientist Magazine, kamakailan.

Kabilang sa mga kinilalang siyentista sina Drs. Rosalinda C. Torres at Marissa A. Paglicawan, sa Industrial and Technology Development Institute, ng Department of Science and Technology (DoST).

Si Torres, na Scientist I at pinuno ng Standards and Testing Division, ay pumasok sa larangan ng Chemistry para sa kanyang pag-aaral na larvicidal ability of Philippine medicinal plants.

Habang si Paglicawan, na isa ring Scientist I at pinuno ng Advanced Materials Section at the Materials Science Division, ay pumasok sa ilalim ng Materials Science para sa kanyang pananaliksik sa paggamit ng Manila hemp o abaca bilang isang engineering material.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Karamihan naman ng nakasama sa listahan ay mga Japanese researchers.

Bukod kina Torres at Paglicawan, kinilala rin sa listahan sina Artemio Salazar ng University of the Philippines (UP) Los Baños para sa Agriculture; Rody Sy, ng UP Manila for Biomedical Science; Ricardo Balog ng University of Sto. Tomas at Elmer Dadios of De La Salle University para sa Engineering; Gay Jane Perez, ng UP Diliman, para sa Environmental Sciences and Geology; at Charissa Marcaida Ferrera, ng UP Diliman, para sa Life Sciences.

Pinili mula sa iba’t ibang larangan, kinilala ng listahan ang mga kinatawan mula sa China, India, Japan, Malaysia, Singapore, South Korea, the Philippines, Taiwan, Thailand, at Vietnam.

Kabilang dito ang 17 sa Life Sciences, 15 sa Biomedical Science, 12 sa Engineering, 12 sa Materials Science, siyam sa Leadership, walo sa Chemistry, walo sa Environmental Sciences and Geology, pito sa Agriculture, pito sa Mathematics, at lima sa Physics.

Ayon sa Asia Scientist Magazine, “Asia currently supplies the world a quarter of its publications written by Asians now numbering a third of all scientific researchers worldwide.”

Dagdag pa dito, ipinapakita din sa ulat ng 2010 U.S. National Science Foundation Key Science and Engineering Indicators ang palipat ng “world’s scientific research center of gravity” sa Asya.

Ang Asian Scientist Magazine ay isang award-winning science and technology magazine na nagtatampok ng mga pananaliksik at mga istorya ng pagbabago sa Asya para sa global audience. Sakop ng magazine ang balita sa agham, medisina at teknolohiya mula sa Asya at Australasia regions.

Dhel Nazario