SA isang awards night ay nakitang nagkakatsikahan ang mga kilalang indie actresses na pawang nanalo na sa Best Actress category sa iba’t ibang film festivals sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Nagkukuwentuhan sila, kumustahan at kung ano ‘yung mga latest projects nila,” kuwento ng aming source.

“Si (batang indie actress), nagkuwento na kakatapos lang niya ng teleserye niya sa isang major TV network, at hoping na bigyan ulit siya.

“Sina (kabilang ang indie actress na walang regular show ngayon, dahil mas mabenta sa pelikula) nagtataka kay (batang indie actress) kung bakit siya pinatay sa kuwento ng serye, eh, ang husay-husay niya roon. Actually hindi rin daw niya alam. Feeling namin napulitika kasi paborito ‘yung itinira.”

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Tinanong namin kung sino ‘yung natirang aktres sa serye, at nang banggitin ang pangalan ay hindi na kami kumibo. Oo nga, halata namang pinu-push talaga siya ng management, kasi maingay ang pangalan niya sa lahat ng mall shows.

Gayunman, hindi naman nagre-rate lahat ng serye niya, dahil hindi naman din nagtatagal sa ere ang mga ito.

“Acually maraming magaling na artista sa (TV network), hindi lang nama-market nang maayos. Sayang nga, eh,” say pa ng aming source.

At hindi lang ‘yun, kung saan-saan malls namin nakikita ang mga artista nila, hindi gaya sa ibang TV network na bihira silang makita.

-Reggee Bonoan