GOOD vibes talaga ang hatid ng tambalan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion sa Kapuso rom-com series na Love You Two.

Gabby at Jennylyn copy

Sila na kasi ngayon ang kinagigiliwan ng primetime viewers, na gabi-gabing nakatutok sa kanilang serye. Lutang na lutang ang chemistry ng dalawa, kaya naman bentang-benta sa manonood ang kanilang mga eksena, pati na ang kanilang dialogues.

Talagang hindi binigo ni Jen ang lahat ng nag-abang sa pagbabalik-rom-com niya, dahil worth it ang paghihintay nila sa Love You Two.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Swak na swak sa kanya ang role ni Raffy, na protective ate sa kapatid na si Shaira Diaz, bilang si Sam. Kaya naman super happy ngayon ang Ultimate Star dahil nae-enjoy ng lahat ang programa.

Maging si Gabby ay nagpapasalamat dahil sa suporta at pagtangkilik ng mga Kapuso sa kakaibang kuwento ng Love You Two.

Visual treat na mapanood ang #GabJen sa primetime, kaya naman parami na nang parami ang fans ng kanilang tambalan.

-MERCY LEJARDE