Kritikal ang matandang dalaga nang mag-overdose ng gamot sa Malabon City, nitong Huwebes.

CAPSULE_ONLINE

Patuloy na nagpapagaling sa Ospital ng Malabon si Emelita Vasquez, 60, ng M. Sioson Street, Barangay Hulong Duhat sa nasabing lungsod.

Walang malay at bumubula ang bibig ni Vasquez nang datnan ni Maribeth Velasquez, 42, sister-in-law ng biktima, sa kuwarto nito, bandang 3:36 ng hapon.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

"Niyugyog ko siya (Vazquez) para magising tapos nakita ko ‘yung mga gamot sa gilid ng kanyang kama," sabi ni Velasquez.

Nabatid na nagtampo umano si Vasquez sa kanyang kapatid dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa kaibigan nito.

-Orly L. Barcala