NAGHAHANGAD na umabot ng playoffs ng 2019 PBA D League, ini-reactivate ng Marinerong Pilipino ang mga dating manlalaro nilang sina Gab Banal, Mike Ayonayon at Jhonard Clarito.

Kapapanalo pa lamang ni Banal ng MVP award sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, kung saan siya nagtala ng average na 18.2 puntos, 8.9 rebounds at 6.4 assists para sa Bacoor City Strikers.

Pinatunayan naman ni Ayonayon ang pagiging knockdown scorer para sa MPBL champion San Juan Knights. Nauna na iyang nakalaro sa Marinerong Pilipino season-opener kung saan nagtala siya ng 23 puntos kontra Che’Lu Bar and Grill.

Lalaro naman si Clarito sa unang pagkakataon sa PBA D-League. Siya ang bayani ng San Juan Knights sa Game Five ng MPBL Datu Cup Finals.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Umaasa si Skippers coach Yong Garcia na makakatulong ang pagdating ng tatlo sa kanilang kampanya at makakabalikat ng mga dating reliables ng koponan na sina Santi Santillan,Anton Asistio, Orlan Wamar at Kib Montalbo.

-Marivic Awitan