Nilagdaan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at iba pang stakeholders ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act 11210 o Expanded Maternity Leave Law ngayong Miyerkules, Labor Day, sa San Fernando, Pampanga.

IRR_ONLINE

Pinangunahan nina DoLE Secretary Silvestre Bello III, chairperson of the Civil Service Commission (CSC) Alicia dela Rosa Bala at president of Social Security System Aurora Ignacio ang pagpirma sa IRR para sa Expanded Maternity Law, na nagbibigay-daan sa pagpapatupad sa batas kung saan ang mga nanay ay may 105 araw na bayad maternity leave at karagdagang 15 araw sa mga solo mothers.

Bago ratipikahan ang batas, ang mga nanay ay mayroon lamang 60 araw na bayad na maternity leave.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

Base sa IRR, maaari ring palawigin ng mga ina ang kanilang leave sa 15 araw na walang bayad.

Sinabi ni Belo na maging ang mga mister ay may benepisyo sa nasabing batas.

"The wife who gave birth, if she wants to be with her husband can pass up to 15 days of her leave so that he could attend to her," sabi niya.

Sa ilalim ng IRR, para sa mga nakunan, pagkakalooban ng 60 araw na bayad na maternity leave ang manggagawa.

-Erma R. Edera