DAVAO CITY – Hindi nabago ang drama sa Palarong Pambansa. Ngunit, magpahangang ngayon, nakakadurig ng puso ang kakaibang tagpo sa kompetisyon para sa mga estudyanteng atleta.

Tinanghal na unang atleta na nagwagi ng gintong medalya ang tinaguriang ‘shoeless runner’ na si Lheslie de Lima ng Camarines Sur sa pagsisimula ng aksiyon sa 2019 Palaro kahapon sa University of Mindanao dito.

Tumakbong nakayapak ang 15- anyos na si De Lima at daigin ang mga karibal sa 3000m run secondary girls sa tyempong 10 minuto at 22.42 segundo.

"Komportable po ako na nakayapak talaga," pahayag ng Grade 9 student ng Baao National High School sa Camarines Sur.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Pinalakas ng kanyang walang humpay na training si De Lima upang matagumpay na masungkit ang asam na ginto sa nasabing kompetisyon.

"Training Lang po nang training kasi ibang level na po kasi tsaka malalakas din po mga kalaban ko," aniya.

Sisikapin ng simpleng anak ng magsasaka na si De Lima na makakuha muli ng ginto sa huling dalawang events na kanyang lalahukan -- 800m at 1,500m.

"Subukan ko po ulit na maka gold. Sana makuha ko po," ani De Lima.

Bumuntot lay ky De Lima si Camila Tubiano Ng Region X na tumapos Ng 10:32.32 kasunod si Lovely Cordinilla ng Region III (10.38.52).

Sa long jump, nagwagi si Algin Gomez ng Region 2 sa kanyang 7.55 meter – bagong Palaro record.

Dating tangan ni Julian Reem Fuentes Ng CAVRAA ang marka sa 7.36 meters.

Gayunman, ipinaliwanag ng mga technical officials ng Patafa na hindi kinonsidera na nabasag ni Gomez ang record ni Fuentes gayung mababa sa 1.70 wind reading ang distansya na naitala ng pambato ng Region 2.

Samantala, nakuha naman ni Patrick Botabara Ang bronze sa long jump sa kanyang tinapos na 6.96 sa pagtalon.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang opening ceremonies kasama sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at DepEd Secretarey Leonel Briones.

-Annie Abad