Paano kung mali ‘yung ma-shade mo sa May 13, gagawin mo rin ba ito?

Pawan Kumar

Pawan Kumar

Pinutol ng 25-anyos na si Pawan Kumar, mula sa Uttar Pradesh, India ang kanyang hintuturo matapos siyang magkamali ng naibotong kandidato sa national election ng India, kamakailan.

Sa ulat ng Oddity Central, naging viral “globally” si Kumar matapos kumalat ang video kung saan makikita siyang may benda sa hintuturo matapos niyang putulin ito bilang parusa sa kanyang pagboto sa maling kandidato.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Sa ulat, nais iboto ni Kumar ang SP-BSP-RLD candidate na si Yogesh Sharma, ngunit nalito siya sa simbolo ng partido, kaya naman ang karibal nitong Bahujan Samaj Party (BSP) ang kanyang naiboto.

Hindi umano matanggap ni Kumar ang kanyang pagkakamali.

“I wanted to vote for the elephant, but I voted for the flower by mistake,” maririnig na paliwanag ni Kumar sa video. “I went home and chopped off my finger with the cleaver.”

“He was very happy that he was voting for the first time ever,” pagkukuwanto ng kapatid ni Kumar sa AFP. “But once he realised his mistake, he was so distraught that he chopped off his inked finger. Every time he saw his ink-marked finger, he felt angry.”