BORACAY ISLAND – Pinaaapura na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

BORACAY (20)

Katwiran ng kalihim, isang taon na kanilang gugugulin para maayos ang isla.

Kapag natapos na aniya ang naturang panahon, mawawalan na rin ng kakayahang maipagpatuloy ng Boracay Inter-Agency Task Force ang kanilang trabaho.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa prayoridad ng task force na maibalik ang dating ganda ng white-sand beach ng Puka na bahagi ng isla.

Nagtungo sa isla si Cimatu upang personal na pangunahan ang pagpupulong ng task force para sa isang taong anibersaryo ng pagsasara ng Boracay.

-Jun N. Aguirre