NGAYONG Biyernes ang grand opening ng franchise branch ng McDonald’s ni Alden Richards na nasa Biῆan City, Laguna. Aabot sa 10,000 ang expected na pupunta sa grand opening at 8,000 dito ay fans ni Alden at Aldub fans. Ang 2,000 ay kaibigan at family members na hindi nakapunta sa soft opening na ginawa noong April 24.

Alden copy

Dumating sa soft opening ang best friends ni Alden na sina Rodjun Cruz, Kristoffer Martin at Bea Binene. Present din sina Joyce Ching at ang fiancé nito, Wynwin Marquez, LJ Moreno, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Kakai Bautista. May mga imbitado pang tiyak si Alden na hindi nakarating dahil may kalayuan ang Biῆan.

Dumating din sina Biῆan City Mayor LenLen Alonte at Laguna 1st District Representative Arlene Arcillas at iba pang government official ng Biῆan at Sta. Rosa, Laguna na hindi naman nakuha ang pangalan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kumpleto rin ang pamilya ni Alden pati ang lolo at lola niya na siguradong very proud sa narating ng kanilang apo hindi lang sa showbiz, pati sa negosyo, partikular sa food business. Ang ganda tingnan na sama-sama sila sa blessings at pagtu-toast para sa successful run ng fastfood chain resto.

“Nagulat ako, ngayon ko lang nakita ang store. Malaki siya, 202 ang seating capacity. Pangarap ko lang dati na magkaroon ng McDo branch, noong una kaming pumasok sa isang store sa South Superhighway noong bata pa ako. Sabi ko sa sarili ko, darating ang araw na magkakaroon din ako ng store at 20 years later, ito na kami with our own store. Ang sarap sa pakiramdam seeing your dream unfolding before your eyes,” kwento ni Alden.

Pinag-resign ni Alden ang father at sister niya sa kanilang respective works para tumulong sa pamamahala ng store nila. Si Rizza Mae, ang managing director ang magpapatakbo sa store at lider sa 110 work force. Open 24/7 ang store, may drive-thru, may party place at hindi na kailangan pumila sa counter para umorder dahil pinakabagong sistema sa pag-o-order ang ipatutupad. Ilulunsad din nila soon ang delivery.

Sa April 28 babalik sa Hongkong si Alden para tapusin ang shooting ng Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

“Sobrang thankful ako to be given the chance to work with Star Cinema, with Direk Cathy and her staff, with Kathryn at ang buong cast. Maganda ang treatment sa akin ng Star Cinema at hindi nila ipinaramdam na taga-GMA-7 ako. Magaan katrabaho si Kathryn, kaya mabilis naalis ang ilang sa aming dalawa. Masasabi kong maganda ang ‘Hello, Love, Goodbye’, kaya panoorin nila ‘pag pinalabas na,” pahayag pa ni Alden.

Binisita ni Daniel Padilla si Kathryn sa Hongkong, nagkita sila ni Alden, pero hindi nakapagkuwentuhan nang matagal dahil sa shooting schedule. Pasasaan ba at magkikita at magkakakuwentuhan din silang dalawa.

-NITZ MIRALLES