HINDI pala puwedeng sunud-sunod ang araw ng shooting ng isang kilalang aktor dahil bawal pala siyang mapagod nang husto, base na rin sa payo ng doktor niya.

Sa ginagawang pelikula ng kilalang aktor ay napasabay ang paggawa rin niya ng isang teleserye kaya sige-sige siya. Sa pagod, muling sumama ang pakiramdam niya, bagay na ikinabahala ng pamilya niya, kaya kaagad siyang itinakbo sa kilala nilang doktor.

At dito nga nalaman na hindi puwedeng sunud-sunod ang trabaho ng kilalang aktor, at bawal din sa kanya ang hanggang umagang puyatan, kaya ang pakiusap ngayon ng mga magulang niya sa production ay hanggang midnight, o 2:00 am lang siya at pack-up na.

Kaya on hold muna ang isa pang project ng kilalang aktor na nasimulan na niya, dahil kailangang tapusin muna niya ang pelikulang malapit na niyang matapos.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“One at a time lang, hindi tulad dati na kayang isabay-isabay ang pelikula at teleserye, tapos may out of town shows pa. Dati kasi ganu’n siya, ngayon bawal na. Isa-isa lang kasi hindi na kaya ng katawan,” say ng taong malapit sa kilalang aktor.

Puyat ang matinding kalaban ng aktor, dahil ‘pag kulang siya sa tulog ay nagbabago ang ugali niya—at higit sa lahat, hindi siya makaarte nang husto.

-Reggee Bonoan