Nasa 10,000 lumang Philippine flag ang nakatakdang palitan ng bago bilang bahagi ng pagdiriwang ng Heritage Month sa susunod na buwan.

WATAWAT(20)

Sa pahayag ni National Historical Commission of the Philippines 4(NHCP) chairman Rene Escalante, may kasunduan na sila ng NHCP, Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG) at isang foundation na layuning mamahagi ng mga bagong watawat sa mga public elementary school sa buong bansa.

Pagdidiin ni Escalante, napansin nila na walang masyadong pondo ang Department of Education (DepEd) para palitan ang mga lumang bandila kaya umaaapela  sila sa mga non-government organization kaugnay ng usapin.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Kaugnay nito, ipagdiriwang ang flag day sa Mayo 28, at sasabayan ito ng programa sa Imus, Cavite upang alalahanin ang Battle of Alapan.

Ayon kay Escalante, magkakaroon sila ng kampanya para sa sabay-sabay na flag-raising ceremony  sa buong lalawigan.

-Beth Camia