BACOLOD CITY – Pinagbabaril at napatay ng 20 armadong lalaki ang isang konsehal at kapatid ng isang bise-alkalde sa Barangay Inolingan, Moises Padilla, Negros Occidental, kaninang umaga.

AMBUSH (3)

Kinilala ni Moises Padilla Municipal Police chief, Maj. Junji Liba, ang mga biktima na sina Councilor Michael Garcia, at Mark Garcia, pamangkin at kapatid ni Vice Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo, ayon sa pagkakasunod.

Ang dalawa aniya ay sakay ng isang pick-up truck nang ratratin sila ng tinatayang aabot sa 20 lalaking lulan ng dalawang sasakyan, kahapon, dakong 11:00 ng umaga.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Dead on the spot ang dalawa dahil sa mga tama bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi nasugatan ang bise-alkalde dahil nakasakay ito sa isa pang sasakyan nang maganap ang insidente.

Ayon sa ulat, si Garcia-Yulo ay kumakandidato sa pagkaalkalde sa nasabing bayan laban kay incumbent Mayor Magdaleno Peña habang ang naturang konsehal ay reelectionist sa Mayo 13 midterm elections.

Wala pang masabi ang pulisya na motibo sa pamamaslang 0na patuloy pang iniimbestigahan kung kaanib ng gun-for-hire o New People’s Army (NPA) ang responsable sa insidente.

-Glazyl Masculino