NAGBALIK ang University of Negros Occidental-Recoletos alumni na sina Alexa Polidario at Erjane Magdato sa lugar kung saan sila nagkampeon noong isang taon sa gagawin nilang pagsabak sa Beach Volleyball Republic On Tour: Dumaguete Open ngayong Biyernes sa Rizal Boulevard sand court sa Dumaguete City.

Nagwagi sina Polidario at Magdato kontra kina Samaa Miyagawa ng Japan at Tin Lai ng Hong Kong sa laban nila sa Negros Oriental capital noong Nobyembre sa itinuturing na “most well-attended leg” sa history ng apat na taong beach volleyball circuit.

Umaasa si Dumaguete Mayor Felipe Antonio Remollo na ang hosting ng BVR leg ay magpapatibay sa estado ng lungsod bilang “sports tourism capital” sa Visayas.

Kampeon ng dalawang BVR legs noong isang taon, inaasahan nina Polidario at Magdato ng matinding laban sa dalawang araw na event.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Kabilang sa mga mabibigat nilang kalaban ang tambalan nina Perlas Spikers Bea Tan at Dij Rodriguez na target naman ang ikatlong sunod na panalo kasunod ng naging kampeonato nila sa Puerto Galera at Santa Fe, Bantayan Island legs noong nakaraang buwan.

Nariyan din ang international pair nina Yuen Ting Chi at Lok Shun kasama sina NU-Boysen’s sister tandem Roma Joy Doromal at Roma Mae Doromal, Air Force 1 duo nina May Ann Pantino at Jozza Cabalsa, Smash Bacolod pair nina Bianca Lizares at Jennnifer Cosas at ang mga University of Santo Tomas duos nina Babylove Barbon at Gen Eslapor, at MJ Ebro at Derie Virtusio, University of St. La Salle duo nina Nohlin Jundana at Ceejay Recayo, Air Force 2 pair Mikaela Andres at Angel Antipuesto, Sipalay City tandem nina Jesalen Moises at Gelamie Villanueva, at ang Rizal Technological University pair nina Reyann Cañete at Sayrel Bermeo.

Sa men’s division, may dalawang international pairs sa kalahok na 12 koponan na pangungunahab ng host Dumaguete representive na sina Buen Sayson at Reynald Catipay.

Kasali din ang Air Force tandem nina Jessie Lopez at Ranran Abdilla, na naghahangad ng ikatlo nilang titulo matapos magwagi sa Puerto Galera at Santa Fe, Bantayan Island leg noong isang buwan.

Ang iba pang mga lokal na koponang kalahok sa men’s division ay ang Visayas pair nina Jade Becaldo at Mike Abria. Colegio de San Agustin-Bacolod tandem nina Marvin Haresco at Mike Anton Beronio, NU-Boysen twosome nina James Buytrago at Pol Salvador, UST couplet nina Efraem Dimaculangan at Rancel Varga, USLS-Bacolod pair nina Herold Parcia at Deanne Neil Depedro, Bacolod duo nina Christian Marcelino at Simon Aguillon, Gandang Laban tandem nina Rawsa Inaudito at Nichol Jundana,m at Perpetual Help pair nina Jayjay Solamillo at John Patrick Ramos.

Pagkatapos ng Dumaguete leg ang BVR on Tour ay magdaraos ng kanilang 5th leg sa Lingayen, Pangasinan sa Abril 30-Mayo 1.

-Marivic Awitan