PARA namang hindi apektado si Gabby Concepcion sa bashers na nagsasabing “matanda” siya sa mga leading lady niya sa TV at pelikula. May tumawag pa nga sa kanyang pedophilia dahil sa laki ng agwat niya kay Shaira Diaz, na isa sa kapareha niya sa rom-com series na Love You Two na may world premiere this Monday, after Sahaya.

Gabby, Jennylyn at Shaira

Malaki rin ang agwat ng edad ni Gabby kay Jenylyn Mercado, ang leading lady niya sa Love You Two at mas may edad din siya kay Jodi Sta. Maria na kapareha niya sa pelikulang Man and Wife na showing sa May 8.

Hindi nga naman kasalanan ni Gabby kung mas bata sa kanya ang mga ipinapareha sa kanya at sa aminin man at sa hindi ng kanyang bashers, nakakatuwa ang mga eksena nila ni Shaira na bilang si Sam sa Love You Two ay na-in love kay Jake (Gabby).

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May kilig din ang tambalan nina Gabby at Jennylyn at batay sa trailer, bagay sa edad ni Gabby ang kanyang role at karakter. Makikita ring may chemistry ang dalawa kahit sabi ng ibang bashers, mukha silang magkapatid at mukhang kuya nina Shaira at Jennylyn si Gabby.

Anyway, sa direksyon ni Irene Villamor good vibes ang hatid ng Love You Two sa manonood.

-Nitz Miralles