CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Dalawa na ang naitalang nasawi nang yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang Central Luzon, kaninang hapon.

Sa report, hindi pa nakikilala ng mga awtoridad ang dalawang nasawi sa Porac, Pampanga.

Ayon naman kay Pampanga Information officer Joel Mapiles, gumuho ang Tiuson Supermarket sa nasabing bayan.

Napinsala rin ng lindol ang Bell Tower sa Poblacion ng nabanggit na bayan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna nang naitala ng Phivolcs sa magnitude 5.7 ang pagyanig bago nila ito itinaas sa magnitude 6.1 na ang sentro ay naitala sa layong dalawang kilometro hilagang silangan ng Castillejos sa Zambales, dakong 5:11 ng hapon.

-Franco G. Regala