Dinampot ng pulisya ang isang Nigerian nang masabat umano sa kanya ang tinatayang aabot sa P18-milyon ilegal na droga sa Naga City, Camarines Sur, ngayong Linggo ng madaling araw.

NIGERIAN

Ang suspek ay kinilala ni Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5), na si Azubuike Obiaghanwa Onwigbolu, 32, pansamantalang nanunuluyan sa Angeles City, Pampanga.

Hindi na nakapalag pa ng suspek nang dakpin ito ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Zone 3, Triangulo, dakong 2:15 ng madaling araw.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

"The arrest was made through the buy-bust operation conducted by the joint elements of RID/RPDEU5, CPDEU-NCPO, PS2 and in coordination with PDEA Camrines Sur, wherein during the operation a PNP personnel acted as a poseur buyer together with a confidential informant were able to buy 200grams of “shabu” worth P400,000.00 using boodle money on top of 1 piece genuine 1,000 pesos bill as marked money,” ayon sa PDEA.

Sa rekord ng pulisya, tatlong araw pa lamang ang suspek sa nasabing lungsod nang madakip ito ng mga awtoridad.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang mga pinagkukunan ng iligal na droga ng suspek.

-Niño N. Luces