Isinapubliko ng Department of Tourism ang mga petsa na ipinagbabawal ang pagdaong ng mga cruise ships sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

(kuha ni Tara Yap)

(kuha ni Tara Yap)

Simula Abril 16 hanggang Mayo 16 ngayong taon ay bawal muna ang cruise ships sa isla upang mabantayan ang carrying capacity ng isla, na inaasahan nang dadagsain ng mga turista ngayong summer.

Nabatid na ang carrying capacity ng Boracay ay hanggang 19,215 lang bawat araw, kasama ang 6,405 tourist arrivals bawat araw.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Kasabay nito, umapela rin ang DoT sa publiko na huwag mag-post o mag-share ng mga lumang videos at litrato ng cruise ships sa Boracay na pinalalabas na bagong larawan, dahil maaari umano itong magdulot ng alarma at pagkalito.

Sa kabilang dako, ang iba pang “close out dates” para sa cruise ships ay sa Oktubre 26-Nobyembre 8, para sa paggunita ng Undas; at Nobyembre 23-Enero 5, 2020 para sa Pasko, Bagong Taon, at SEA Games.

-Beth Camia